ISA ka kabang biktima ng bullying noong
nag-aaral ka pa? O baka ang is among mahal sa buhay ngayon ay nakaranas ng
pambu-bully habang nasa eskwela?
Isinusulong ngayon sa kongreso ang
panukalang batas na nag lalayong magpatupad ng polisya laban sa pambu-bully sa
mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Maraming nag papakita ng pagiging maton at
gusting manakot sa loob ng silid-aralan. Sa totoo lang, marami ng kasong ganito
pero hindi lamang nagsasalita ang biktima o nam-bully. Maaring ayaw ng
iparating sa kanyang mga magulang at baka ipatawag lamang sa school at
magkaroon pa ng gulo. Mayroon namang mga biktima ng bullying na natatakot
magsumbong sapagkat baka resbakan siya ng kaklaseng maton. Kaya minabuting
manahimik na lamang at hayaang i-bully ng kaklase.
Pero hindi ng maganda an nangyayari sa
ginagawang pambu-bully sa mga paaralan (ma-pribado man at ma-publiko). Paano’y
nassangkot na ang mga magulang at kaibigan sa gulo. Mayroong iginaganti na
lamang ang na-bully. Katwiran ay para patas na lng sila.
Ang mga paaralan ang may responsibilidad
sa nangyayaring ito. Dapat nalalaman ng pamunuan ng school kung may
nangyayaring bullying sa kanilnag compung. Dpat tinatanong nila isa-isa ang mga
estudyante ukol ditto, Guidance counsellor ang dapat magsasagawa ng
pag-iimbestiga o pag-usisa. Hindi n adapt lumaki ang gulo o umabot sa karahasan
ang kaso ng pambu-bully.
-ARRO
(BMR)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento